Mahigpit na minomonitor ng mga ahensiya ng pamahalaan ang “haze” mula sa Indonesia na nakakaapekto na sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sinabi sa DWIZ ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje na nag-uusap sila ng mga opisyal ng Department of Health at Dept. of Science and Technology para tingnan kung ano ang magagawa sa problema.
Peligroso aniya sa kalusugan ng tao kapag nakapasok sa baga at sa dugo ang pollutants na dala ng usok mula sa indonesia.
Sinabi ni Paje na posible ring makarating sa metro manila ang usok kayat mahigpit na binabantayan ito.
AUDIO: DENR Sec. Ramon Paje
Emergency kits for public
Samantala, pinapayuhan ng DENR ang publiko lalo na sa bahagi ng Visayas at Mindanao na gumamit ng mask o gas mask kaugnay sa nararanasang haze.
Sinabi ni Paje na hindi naman buong araw na kailangang magsuot ng mask dahil mayroon lamang oras na nakakaranas ng haze lalo na kung malakas ang hangin.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)