Naglaan na ng pondo ang gobyerno para maipahiram sa mga micro at small businesses upang magamit sa pagbabayad ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nangako na ng P4 bilyong pisong pondo ang Department of Trade and Insdustry (DTI) sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SB).
Iaalok aniya ang pondo bilang soft loans sa mga micro and small businesses enterprises kung saan makakautang ang mga ito ng walang anumang collateral.
Dagdag ni Bello, maliban sa SB Corp., nakahanda ring pautangin ng Rural Bankers Association of the Philippines ang mga maliliit na negosyo.
Magugunitang, idineklara ng DOLE na hindi maaaring ipagpaliban o umiwas sa pagbabayad ng 13th month pay benefits ang mga employers sa kanilang mga manggagawa.