Inilabas na ng National Task Force Against COVID-19 ang recalibrated national vaccination program nito para sa nalalabing buwan ng 2021 at sa susunod na taon.
Kabilang sa programa ang paglikha ng vaccine security roadmap sa gitna ng presensya ng COVID-19 variants at reformulated booster shots.
Ayon kay NTF Chief at Vaccine Czar Carlito Galvez, bagaman hindi masyadong napag-uusapan ang booster shots, kasama na ito sa kanilang plano partikular sa anim hanggang walong buwang vaccination cycle.
Sa katunayan anya ay naglaan na ang gobyerno ng vaccine doses bilang booster, para sa mga healthcare worker, partikular ang mga unang binakunahan noong Marso ng isang taon.
Handa na ang mga ito sa oras na aprubahan ng World Health Organization at Department of Health ang probisyon ng booster shots para sa mga nasabing manggagawa.—sa panulat ni Drew Nacino