Naglaan ang pamahalaan ng P1 trilyon para sa employment recovery action plan sa ilalim ng National Employment Recovery Strategy (NERS).
Ito ang ipinagmalaki ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na aniya’y kasama sa alokasyon ng iba’t ibang ahensya na nakapaloob naman sa 2021 General Appropriations Act o GAA.
Ayon kay Tutay, itinutulak din nila ang karagdagang P24 bilyon para sa programa na pakikinabangan ng tinatayang 1.4 milyong Pilipino.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na ang pondo ay hindi ibibigay bilang trabaho job opportunities kundi bilang wage subsidy at training programs para sa mga benepisyaryo.