Tanging ang mga mahahalagang biyahe lamang sa loob at labas ng NCR plus ang papayagan sa GCQ with heightened restrictions na ipatutupad simula bukas, Mayo15.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque ay kayat 18 hanggang 75 anyos lamang ang uubrang lumabas ng kanilang mga bahay.
Nasa 20%naman ang venue o seating capacity sa mga indoor dine in services sa NCR plus habang nasa 50% capacity naman ang Al Fresco Dining.
Pu puwede ring magbukas ang outdoor tourist attractions sa bubble sa 30% capacity at mahigpit na susunod sa minimum health standards.
30% capacity rin sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions ang operasyon ng personal care services para sa mga serbisyong hindi nire require ang pag aalis ng face mask tulad ng salon, parlor at beauty clinics
Pinapayagan din sa NCR plus ang specialized markets ng Department of Tourism.
Samantal mananatili namang operational ang pampublikong transportasyon sa kapasidad at protocol na naka depende sa panuntunan ng Department of Tourism at bawal pa rin ang interzonal travel mula NCR plus areas maliban na lamang kung authorized persons outside residence (APOR).
Sampung porsyento naman ng venue capacity ang papayagan sa mga religious gatherings gayundin sa burol, lamay, inurnment at libing para sa mga namatay sa ibang sakit sa NCR plus.
Non-contact sports, games at scrimmages na gagawin sa labas ang binibigyan ng go signal sa GCQ status at puwede ring mag operate ang entertainment venues tulad ng bar, concert halls at theaters, recreational venues tulad ng internet cafes, billiard halls at arcades amusement parks, fairs, playground at kiddie rides, indoor sports courts and venues, indoor tourist attractions at venues para sa meetings, conference at exhibitions.