Inihayag ng Department of Health na naisdagdagan ng gobyerno ang mga taga-bakuna sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito’y kaugnay sa paghahanda na magdagdagan ang sektor ng populasyon ng mga menor de edad na babakunahan.
Sinabi din ni Vergeire na preparasyon ito para sa pagbibigay ng booster shots sa mga health workers at third dose sa mga immunocompromised persons.
Samantala, wala aniyang magiging problema sa suplay ng bakuna dahil inaasaahan ng gobyerno na may 30 milyon pang dadating sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho