Naka-heightened alert na ang buong pwersa ng gobyerno ngayong semana santa.
Sa ilalim ng summer security plan na “Ligtas Sumvac 2018,” partikular na tinututukan ng Philippine National Police ang seguridad sa mga transport terminal, simbahan at mga tourist destination.
Sa panig ng Philippine Coast Guard, tinatayang 82,000 pasahero na ang dumaragsa sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tinututukan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga bus terminal sa Cubao, Quezon City at Pasay upang matiyak ang maayos na byahe ng mga pasahero sa gitna ng panibagong aksidenteng kinasangkutan ng Dimple Star Bus na ikinasawi ng 19 katao sa Occidental Mindoro.
Tiniyak naman ng Manila International Airport Authority na handa sila sa pagdagsa ng mga pasahero kung saan ang malaking bilang ng mga ito ay inaasahang bubuhos sa martes hanggang miyerkules santo.
Samantala, pagaganahin din ng Department of Transportation maging ng mga attached agency nito ang 24-7 operations kabilang ang kanilang mga hotline at passenger desk para sa mga mangangailangan.