Nakahanda ang gobyerno sa panibagong giyera sa New People’s Army matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa Apat na miyembro ng Philippine National Police-Scene Of the Crime Operatives sa Bansalan, Davao del Sur.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan na niya ang PNP at Armed Forces of the Philippines na ituloy ang opensiba laban sa mga rebelde.
Ibinigay ng Pangulo ang permiso sa PNP at AFP upang gamitin ang lahat ng armas maging ang paggamit ng bomba.
Naniniwala si Pangulong Duterte na naging pain ang apat na miyembro ng PNP-SOCO o Scene Of the Crime Operatives kaya’t tinambangan sila ng mga rebeldeng komunista.
Nakakalungkot aniya na maging ang non-combatants na mga pulis ay hindi pinalagpas ng NPA kaya’t asahan ng gaganti ang mga otoridad.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping