Nakikipag-usap na rin ang pamahalaan sa manufacturer ng anti-COVID-19 vaccine na Covovax para matiyak na makakakuha ang bansa ng nasa 30 milyong doses.
Ito ang inihayag ni Dr. Lunining Villa, Medical Director ng Faberco Life Science, ang Philippine partner ng manufacturer ng Covovax vaccine na Serum Institute of India.
Ayon kay Villa, kanya nang nakausap si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez noong Disyembre 18 pero posibleng sa susunod na buwan pa mapipirmahan ang kontrata para rito.
Ani Villa, maituturing na isang magandang development para sa pilipinas kung magtatagumpay ang kanilang negosasyon sa pamahalaan na maaari namang maging available sa ikatlong bahagi ng 2021.
Kasalukuyan nang nasa ikatlong stage ng clinical trial ang Covovax sa United Kingdom, United States at Mexico.