Ibinaba ng gobyerno ng Pilipinas ang mandatory facility-based quarantine requirements para sa mga international traveler at Returning Overseas Filipinos (ROFs) na fully vaccinated laban sa COVID-19 na sisimulan sa Pebrero 1.
Ayon kay cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles magsumite lamang ng mga sumusunod:
- Magpakita ng negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng apat na put walong oras bago umalis sa bansang pinanggalingan at dapat mag-self-monitor sa loob ng pitong araw mula sa petsa ng pagdating;
- Vaccination card na kinikilala sa ilalim ng iatf regulations kabilang ang World Health Organization International Certificate of Vaccination at Prophylaxis; VAXCERTPH o National State Digital Certificate ng Foreign Government na tumatanggap ng VAXCERTPH sa ilalim ng isang reciprocal arrangement;
- Sa mga hindi nabakunahan, partially vaccinated o hindi maberepika ang status ng vaccination ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na kinuha apt na put walong oras bago umalis sa pinanggalingang bansa.
Samantala, ang mga batang 12 taong gulang pababa at hindi pa mabakunahan ay dapat sumunod sa mga protocol ng quarantine ng mga magulang. —sa panulat ni Kim Gomez