Itinanggi ng Syrian Government na naglusad sila ng chemical attack sa Eastern Ghouta.
Kasunod ito ng naging akusasyon ng isang rebeldeng grupo na nagbagsak ng bombang naglalaman ng nakalalasong kemikal ang Syrian government.
Sa ipinalabas na pahayag ng Syrian Government, kanilang iginiit na gawa-gawa lamang ng mga rebelde ang ulat ng chemical attack para sa tangka ng mga ito na pigilan ang pag-abanse ng militar douma.
Samantala, batay sa nakuhang ulat ng Syrian Observatory for Human Rights nasa 11 na ang nasawi dahil sa suffocation habang nasa pitumpo na ang nakararanas ng hirap sa paghinga dulot ng sinasabing gas attack.
Gayunman, hindi pa rin makumpirma ng Syrian observatory ang umano’t pagamit ng chemical weapon ng gobyerno.