Tiyak na mabubuwag na ang pamamayagpag ng dalawang higanteng kumpaniya ng telekomunikasyon sa Pilipinas makaraang lumagda na ang pamahalaan ng isang partnership sa social networking site na Facebook.
Ito’y para bumuo ng isang ultra-high speed broadband infrastructure at tatawagin itong Secure GOVNET o Strategic Engagement and Collaboration to Undertake a Reliable and Efficient Government Internet.
Dahil dito, magiging ikatlong major player na ang pamahalaan sa industriya ng telekomunikasyon na inaasahang magbibigay ng mabilis, maayos at murang serbisyo ng internet sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng naturang proyekto, itatayo ng BCDA o Bases Convertion and Development Authority ang isang bypass corridor sa Luzon na binubuo ng dalawang cable landing stations.
Habang ang DICT o Department of Information and Communications Technology naman ang siyang over-all incharge sa naturang proyekto.