Tiniyak ng DOH sa publiko na patuloy ang pagkilos ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan para palakasin ang healthcare system capacity ng bansa laban sa Delta variant ng COVID-19.
Ito’y matapos na magpahayag ng pagkabahala ang alliance of healthcare workers dahil posibleng hindi makayanan ng bansa sakaling sumirit ang kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant gaya ng nangyari sa Indonesia.
Ayon sa DOH nauunawaan nila ang pangamba ng publiko at mga healthcare workers dahil sa posibleng pagkalat ng Delta variant.
Patuloy umanong nagtutulungan ang pamahalaan at LGUs para matiyak ang sapat na suplay ng mga gamot, oxygen tank gayundin ang bed capacity.
Kasabay nito tiniyak din ng DOH na puspusan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa buong bansa.