Hanggang sa huling sandali ay gumagawa umano ng paraan ang gobyerno para mailigtas sa parusang kamatayan sa Saudi Arabia ang Overseas Filipino worker na si Joselito Zapanta.
Inihayag ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa harap ng ibinigay na taning hanggang bukas ng korte ng saudi kay zapanta para maibigay ang hinihinging blood money para hindi matuloy ang parusang bitay nito.
Ayon sa Kalihim patuloy ang pangangalap ng pondo para malikom ang P 48 million na hinihinging blood money ng pamilya ng Sudanese na napatay ni Zapanta.
Ang Department of Foreign Affairs Aniya ang kumikilos para mailigtas sa parusang bitay si Zapanta.
By: Aileen Taliping (patrol 23)