Masusi nang pinag-aaralan ng pamahalaan kung paano mapapa-baba ang presyo ng COVID-19 tests o kung paano ito tuluyang magiging libre para sa publiko.
Ayon kay IATF Vice-Chairman Karlo Nograles, para sa mga wala talagang kakayanang magbayad, doon na aniya papasok ang tulong gobyerno.
Samantala sinabi naman ni Vaccine Czar at COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ang virus testing ang pinaka-sentro ng action plan ng national government.
Pahayag ni Galvez, mula sa iisang licensed COVID-19 testing facility noong Pebrero , ngayon aniyay mayroon nang 197 testing center sa ibat ibang bahagi ng bansa, at patuloy pa itong nadaragdagan.
Nakapaglatag narin aniya ang pamahalaan ng price cap para sa lahat ng RT-PCR tests, kungsaan sa pamamagitan nito, maraming buhay ang nasagip.