Binatikos ni Lingayen-Dagupan Archbishop Soc Villegas ang talamak na pananakop ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang reaksyon ni Villegas kasunod ng inilagay na missile systems ng China sa ilang artipisyal na isla sa Spratlys na kapwa pinag-aagawan ng China at Pilipinas.
Ayon kay Villegas, nababahala na ang kanyang mga kababayan sa Pangasinan dahil sa unti-unting pananakop ng China sa Pilipinas kung saan, ilang mga programa sa radyo ng China ang kanilang naririnig.
Kasunod nito, nanawagan ang arzobispo sa mga nasa pamahalaan na tumayo, manindigan at lumaban upang ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas sa mga teritoryong inaangkin nito.
—-