Plano ng pamahalaan na umutang ng “record-high” na mahigit isang trilyong piso mula sa domestic at foreign sources sa susunod na taon.
Ito, ayon kay National Treasurer Rosalia de Leon, ay upang mapondohan ang agresibong spending program para sa iba’t ibang proyekto tulad ng “Build, Build, Build Program.”
Aabutin ng 1.188 trillion pesos ang planong utangin ng pamahalaan kumpara 986.2 billion peso programmed gross borrowing ngayong taon.
Magmumula anya ang 891.7 billion pesos sa domestic lenders habang ang 297.2 billion pesos ay magmumula sa external sources.
Ito na sa ngayon ang magiging pinakamalaking utang ng bansa.
—-