Pursigido ang gobyerno na magtayo ng tulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika bilang bahagi ng long term project sa paglaban sa mga sakit na maaari pang umusbong.
Ipinabatid ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., Nnational Task Force against COVID-19 chief implementer na puspusan ang pagsisikap nilang makapagisa ang kakayahan ng UP-NIH, Analysis Center at Research Institute for Tropical Medicine.
Hindi pa matantya ni Galvez kung kailan magiging operational ang nasabing mala-CDC na bahagi ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang naglaan ng reward ang pangulo paran sa makakagawa ng bakuna kontra COVID-19 subalit bigo umano ang local scientist dahil sa kakapusan ng mga pasilidad na pu-puwedeng gamitin para sa resarch and development.