Pursigido ang gobyerno na makagawa ang bansa ng sariling bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid sa DWIZ ni Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST), na mayroon nang mga kumpanya sa bansa na nais magsimula ng produksyon ng bakuna sa Pilipinas sa tulong na rin ng vaccine developers sa ibang bansa.
Tiwala aniya silang uusad ang hakbangin lalo na’t may mga expert naman sa bansa at kung mayroong local company na handang sumugal o mag-invest dito.
Merong mga nakatakdang grupo sa ahensya na nakikipag-usap na sa mga local manufacturers,” ani Montoya. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas