Target ng gobyerno na bumili ng paunang 24-milyong vaccines kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. dahil nais aniya ng Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak na magiging accessible ang bakuna sa mga mahihirap at vulnerable individuals.
Sinabi ni Galvez na ang 24-milyong bakuna ay para sa indigents, mahihirap na komunidad at vulnerable sectors.
Una nang inihayag ng Malacañang na maaaring Enero hanggang Marso ay masimulan na ang procurement process para sa COVID-19 vaccines.