Target ng pamahalaan na magtayo pa ng mga modular hospitals sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, plano ng DOH at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtatag ng lima pang modular hospitals sa National Capital Region (NCR), Batangas at Davao City sa darating na Hunyo.
Dagdag pa ng kalihim, mahigit anim na TTMFs (temporary treatment and monitoring facilities) at isolation facilities na may kasama ng 1,700 beds sa NCR at mga karatig lalawigan ang nakatakda nang buksan ngayong linggo.
Asahan na rin, ayon sa DOH, na mas marami pang mga healthworkers ang ire-redeploy sa NCR, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal o sa NCR Plus.