Inihayag ng pamahalaan na target nitong makapagbakuna ng nasa 250,000 hanggang 300,000 na mga indibidwal kada araw kung darating sa bansa ang karagdagang mga suplay ng bakuna kontra COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Task Force Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na ito’y para maabot ng pamahalaan ang target nitong mabakunahan na 50-milyong pilipino sa taong ito.
Pero ani Dizon, sa ngayon, hirap pa ang pamahalaan na maabot ang naturang target dahil kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa.
Mababatid na inaasahang darating ngayong buwan ang 1.4-milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac maging ang iba pang mga brand ng bakuna sa mga susunod na buwan.