Tina-target na ng gobyerno na simulan sa unang linggo ng Pebrero ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje na chairperson din ng National Vaccination Operations Centers (NVOC), ibang formulation ng bakuna ang gagamitin sa mga kabataan.
Una nang nakapag-secure ng 15 milyong doses ng small at less concentrated Pfizer vaccines ang Pilipinas.
Habang inaasahang sunod-sunod na itong darating sa bansa simula sa Marso na aabot sa 6 milyon.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 14.7 milyong indibidwal na kabilang sa nasabing age group.–-sa panulat ni Abigail Malanday