Target ng pamahalaan na makapagsagawa ng isang milyong coronavirus disease 2019 (COVID-19) test sa July.
Ayon kay BCDA President Vince Dizon, Deputy Chief Implementer Ng National Action Plan against COVID-19, sa ngayon ay umabot na sa 600,000 ang naisagawang COVID-19 test mula nuong Marso.
Sinabi ni Dizon na mas mapapalawak pa nila ang covid test dahil sa pagdating na ng mahigit sa 1-m testing kits.
Dahil dito, sinabi ni Dizon na isasama na rin sa mga bibigyan ng pcr test ang mga myembro ng media at iba pa.
Pipilitin po natin in the next few months, aabot na tayo sa halos 2% ating populasyon priortizing syempre mga densely populated areas tulad ng Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Cebu at Davao. Dadagdagan pa natin ang iba’t ibang mga kailangan natin i-test kasama na po ang mga kasamahan sa media at kasama na rin po ‘yung mga kasama natin na babalik na sa trabaho sa mga susunod na araw. ani Dizon
Target rin ng pamahalaan na mapaikli pa ang panahon na ipinaghihintay ng marami para lumabas ang resulta ng kanilang covid test.
Mula anya sa dalawang linggong paghhintay, nasa dalawa hanggang tatlong araw na lamang ngayon ang itinatagal para ma release ang resulta ng covid test.
Increase lab capacity ‘yung nakikita natin ngayon, 66 labs na sa ating steady supply dumating na po ‘yung initial orders po nating mga test kits at dahil sa automation bibilis na po ng bibilis ang turn time ng ating mga test. Ibig pong sabihin nito hindi lang po ang mga OFW kundi mga kababayan ay hindi na maghihintay ng matagal para makuha angf kanilang test. ani Dizon