Tiwala ang gobyerno na makakakuha na ng suplay ng bakuna ang bansa ng mas maaga pa sa naunang inihayag ng AstraZeneca matapos maselyuhan ang kasunduan hinggil sa ibibigay nitong bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Technology (DOST) Philippine Council for Health Research and Development, sa gitna na rin nang patuloy na pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa mga manufacturer ng bakuna kontra COVID-19.
Dapat nating isipin na patuloy po ang negosasyon, ang sinasabi lang po ni Secretary Galvez, sa ngayon ‘yung medyo nagkaroon na po ng kumpirmasyon na sila po ay magbibigay ng bakuna ng mga June or July. Pero meron pa pong ibang kinakausap na tayo po ay umaasa na baka mas maaga pa roon ay magkaroon na rin tayo,” ani Montoya.
Kasabay nito, sinabi ni Montoya na mayroon namang budget para sa pagbili ng bakuna at kung kinakailangan pa ay maghahanap ng pondo ang pamahalaan para mabigyan ng bakuna ang lahat ng mga Pilipino. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas