Tiwala ang Government Peace Panel na makukuha ang minimithing Bilateral Ceasefire sa Kilusang Komunista sa harap ng paggigiit ng mga ito na palayain na ang lahat ng political detainees sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Government Chief Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na naging maluwag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan ng CPP-NPA-NDF at ilang beses pinagbigyan ang mga ito.
Kailangan lamang aniya na suklian ng kabilang panig ang ginawa ng Pangulo dahil nangako naman ito na pagbibigyan sila kapag mayroon ng kasunduan.
By: Aileen Taliping