Inihayag ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Chair at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kailangang magdoble kayod ang gobyerno para maitaas ang vaccination rate sa ilang lugar sa bansa.
Kabilang dito ang Bangsamoro Autonomous Region in muslim mindanao na 25% pa lamang ng target population ang nakatanggap ng kumpletong bakuna, kasama ang Region 12 na nasa 54%, Central Visayas at Region 7.
Ani Cabotaje, mataas pa rin ang vaccine hesitancy sa mga nabanggit na rehiyon kaya’t magsasagawa ang pamahalaan ng pagbabahay-bahay para mabakunahan ang mga residente nito.
Mataas naman vaccination rate sa Metro Manila, Region 1, Region 2, Cordillera, Region 3, Region 4-A at Western Visayas. – sa panulat ni Airiam Sancho