Walang balak ang gobyerno na gumanti sa New Peoples Army sa kabila ng hindi pagsunod sa ipinatupad na tigil-putukan.
Ito ang inihayag ng Palasyo makaraang salakayin ng mga npa ang isang military unit sa Camarines Sur noong Enero 1.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na patuloy na tatalima ang militar sa umiiral na unilateral declaration of suspension of military operations hanggang sa matapos ito mamayang hatinggabi.
Tiniyak naman ng kalihim na magiging alerto ang ang puwersa ng gobyerno para matiyak na hindi makapamayagpag ang mga rebeldeng komunista pagjatapos ng tigil-putukan.
By: Aileen Taliping (patrol 23)