Walang inilaang pondo para sa social media practitioners at bloggers na papapayagang makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar sa ginawa nitong pagharap sa budget deliberation ng House Committee on Appropriations.
Matatandaang nilagdaan kamakailan ni Andanar ang Department Order No. 15 o interim social media practitioner accreditation para payagan ang mga social media practitioners o bloggers na labing walong gulang pataas at may 5,000 followers sa kanilang social media page na mag-cover sa mga event ng Pangulo.
Nilinaw rin ng kalihim na ang accreditation ng mga blogger ay hindi bilang journalist o mamamahayag at hindi bilang miyembro ng mainstream media o ng Malacañang Press Corps.
By Arianne Palma