Binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pamahalaan sa kabiguan nito na maibigay ang hustisya sa Fallen 44 ng PNP Special Action Force.
Ayon kay Ramos, bigo ang Department of Justice (DOJ) na tukuyin ang mga rebeldeng Muslim at mga Private Armed Groups (PAG’s) na nasa likod ng brutal na pagpatay sa mga miyembro ng SAF.
Ang pahayag ay ginawa ni Ramos sa launching ng “First FVR Golf Classic,” isang fund-raising campaign ng mga retired generals para sa pag-aaral ng mga anak ng nasawing SAF 44 na ginanap sa Camp Aguinaldo Golf Club.
Tinukoy ni Ramos ang pagpa-file ng DOJ ng kasong kriminal laban sa 90 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) gayundin ang mga miyembro ng Private Armed Groups na karamihan ay hindi pa rin matukoy.
By Mariboy Ysibido