Malaki ang maitutulong ng remittances mula sa limampu’t apat na Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs sa Duterte administration para mapababa ang deficits at mapanatili ang agresibong paggastos hinggil sa imprastruktura at human capital development.
Binigyang diin ito ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Sinabi pa ni Dominguez na ang remarkable financial achievement ng mga nasabing GOCCs na nasa 32 billion pesos mula January hanggang July ay makakatulong para ma offset ang subsidy ng gobyerno sa iba pang GOCCs na mayroong crucial social missions tulad nang pagtiyak ng matatag na presyo ng pagkain at pagbibigay ng kuryente at ligtas na supply ng tubig para sa mga komunidad.
Naka-remit ang limampung apat na GOCCs ng 32.03 billion pesos na dividendo sa unang pitong buwan ng taong ito na 1.6 billion pesos o 5.2% na mas mataas sa 30. 46 billion pesos na nakolekta mula sa mga state run firms para sa buong taon ng 2017.
Ipinabatid ni Dominguez na sasablay ang ekonomiya ng bansa kung walong kontribusyon mula sa GOCC’S.
Ang mga GOCC aniya ay malaking tulong sa pagsusulong ng mass housing, rural electrification, pag secure ng malinis na water supply, maayos na mass transport at matatag sa presyo ng pagkain, maayos na health programs at social security services.
Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang tumanggap ng ceremonial cheque na kumakatawan sa dividend contributions ng GOCCs mula enero hanggang hulyo na pumapalo sa 32.03 billion pesos.