Nasungkit ng Pilipinas ang ika-34 nitong Gold medal sa 31st South East Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito’y makaraang madepensehan ni Filipino Olympian Kurt Barbosa ang kanyang titulo sa Taekwondo.
Wagi si Barbosa sa 54 kilogram division kontra Panachai Jaijulla ng Thailand sa score na 17-6.
Magugunitang nasikwat ng Pinoy Jin ang nasabing weight division noong 2019 SEA Games sa Pilipinas bago sumabak sa Tokyo Olympics noong 2021.
Dahil sa matagumpay na title defense ni Barbosa, pangatlo na ang Pilipinas sa medal tally na mayroon ng 127 medals, kabilang ang 40 silver at 53 bronze.
Nangunguna pa rin ang Host nation Vietnam na may 234 medals o 105 gold, 65 silver at 64 bronze habang pangalawa ang Thailand, 155 medals o 43 gold, 47 silver at 65 bronze medal.