Umaasa si House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda na magiging isang golden age ng reporma at inobasyon sa edukasyon ang panunungkulan sa Department of Education (DEPED) ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio bilang papalit na kalihim ng kagawaran.
Ani Salceda, inaasahan nito na magdadala sa departamento ang bise president ng pinakamahusay na magagamit na talento sa akademya, lipunan at pribadong sektor at makabubuo ng grupo na kikilos sa labas ng tradisyonal na inertia.
Ayon sa kongresista, tiwala siyang magiging innovative o si Sara gayong nakagawa na rin ito ng ilang mga inobasyon sa Davao, kabilang ang unang pampublikong hospisyo, smart-city security system, government-induced agri-export sector at ang programang development-for-peace sa bansa.
Dagdag ni Salceda, tatalakayin nito ang kaniyang sampung bahagi na comprehensive education reform agenda kay VP elect Sara gaya ng reporma sa kurikulum ng edukasyon, pag-unlad ng mga kasanayan, imprastraktura at pasilidad, pagsasanay ng guro at nutrisyon ng mga bata. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)