Nakapagdesisyon na si boxing hall of famer at dating Olympic champion Oscar dela Hoya sa plano nitong bumalik sa pagboboksing.
Ayon kay dela Hoya, bilang isang atleta na buong buhay ay kanyang itinuon sa pagboboksing, marami aniyang pagkakataon na nais niyang makabalik at muling lumaban sa boksing.
Gayunman, matapos aniyang konsultahin ang kanyang pamilya at pagsuri sa kanyang sarili, nagdesisyon si dela Hoya na manatiling retirado.
Kasabay nito, pinasalamatan ni dela Hoya ang kanyang mga taga-suporta na humihimok sa kanyang muling lumaban.
Matatandaang nagretiro si dela Hoya matapos na mabugbog ito ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao noong 2008.
By Ralph Obina