Tinanggihan ni retired 6-Division Champion Oscar de la Hoya ang alok na rematch ni undefeated boxer Floyd Mayweather Junior na itatakda sana sa Setyembre.
Matapos ang una nilang laban ni Mayweather kung saan ay natalo siya rito via split decision, sinabi ni dela Hoya na umasa siyang sa loob din ng taong iyon o 2007 ay muli silang maghaharap sa lona ni Mayweather na hindi naman nangyari.
Binigyang diin ni dela Hoya na hindi na siya interesado pa sa rematch makalipas ang walong taon ng kanilang laban ni Mayweather.
Giit ni dela Hoya, retired na siya, masaya at kuntento kaya’t wala na aniyang dahilan upang tanggapin ang alok na laban ni Mayweather.
By Ralph Obina