Nasungkit ng isang dalagita mula sa Lungsod ng Quezon ang golden mic ng “Tawag ng tanghalan” ng ABS-CBN.
Dahil dito, natalo ng 15-anyos na si Daphny Mandin sina Mario Cano ng Albay, Davin Valeroso ng Bicol, at Junbert Nuevo ng Mindanao.
Bunga rin ng kanyang rendisyon ng kanta ni Aretha Franklin na “you make me feel like a natural woman” na sumikat noon pang 1967, napatayo rin ni Mandin ang mga hurado habang umani rin siya ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood.
Ayon sa dalagita, sumali siya sa singing contest para sa ate niyang may kapansanan at gusto niya ring maging nurse para matulungan ang kanyang kapatid.