Muling nabulabog ang Quiapo dahil sa dalawang tila abandonadong bagahe sa may Manila Golden Mosque and Cultural Center.
Walang sinuman sa mga residente sa lugar ang makapagsabi kung kanino ang isang itim na backpack at pink na maleta na iniwan malapit sa puwesto ng mga pulis sa Manila Police District o MPD.
Gayunman, ayon kay Senior Supt. Santiago Pascual, Station Commander ng Station 3 ng MPD, wala namang kahina-hinalang laman ang mga naiwang bagahe.
Kalaunan anya ay lumitaw na ang mga bagahe ay pag-aari ng mga taong nakikitulog sa golden mosque.
Samantala, sinabi ni Santiago na tinatayang apat na raang (400) pulis ang nakalatag ngayon sa Quiapo area upang mangalaga sa seguridad.
Naka-puwesto pa rin anya sa mga istratehikong lugar ang mga checkpoints.
Una rito, hiniling ng mga residenteng Muslim ng Quiapo na higpitan pa ang seguridad sa kanilang lugar lalo na sa panahon ng Ramadan.
By Len Aguirre | with report Aya Yupangco (Patrol 5)
Golden mosque sa Quiapo muling binulabog ng bomb scare was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882