Posibleng makapaglaro na sa Finals ng NBA ang Forward player ng Golden State Warriors na si Andre Iguodala.
Ito ayon sa ESPN ay dahil nakumpleto na si Iguodala ang individual work out pain free nito noong Sabado.
Gayunman, hindi malinaw kung uubra nang maglaro si Iguodala sa Game 3 bukas sa home court ng Cleveland Cavaliers.
Nananatili namang kuwestyonable ang estado ni Iguodala subalit inaantabayanan ang ibibigay na update ni Warriors Coach Steve Kerr hinggil dito.
Nagkaroon ng problema si Iguodala sa buto sa kanyang kaliwang tuhod sa game 3 ng Western Conference Finals at hindi na nakapaglaro sa anim na sunud sunod na laban.
—-