Nakabawi ang Golden State Warriors mula sa kanilang masaklap na pagkatalo sa game ng NBA Western Conference finals kontra Oklahoma City Thunder.
Kanina sa game two, inilampaso ng Warriors ang Thunder sa iskor na 118-91.
Nanguna sa panalo ng Warriors si two time MVP Stephen Curry na kumana ang 28 puntos.
Dahil dito, kapwa hawak ng Warriors at Thunder ang tig-isang panalo sa serye.
By Ralph Obina