Pinagbayad ng nba ng $10,000 na multa si Golden State Warriors Guard Andre Iguodala.
Ito ay para sa kanya umanong racially charged comments, sa panayam na ginawa matapos ang laban ng Warriors at San Antonio Spurs, nitong weekend.
Tinawanan naman ito ni Warriors Coach Steve Kerr at sinabing hindi dapat seryosohin ang umano’y “inappropriate comment” ni Iguodala dahil likas na palabiro si Andre.
By Katrina Valle