Nananatiling malinis ang record ng Golden State Warriors matapos tambakan ang Sacramento Kings sa score na 120-101 sa pagpapatuloy ng 2015-2016 NBA season.
Dahil sa panalo, muling gumuhit ng kasaysayan ang defending champion na Golden State bilang natatanging koponan sa NBA na nakagawa ng 18-0 start.
Naging susi sa panalo ng Warriors si Daymond Green na nakapagtala ng kanyang ikalawang sunod na triple-double performance, makaraang mag ambag ng 13 points, 11 rebounds at 12 assists.
Kumana naman si reigning MVP Stepehen Curry ng 19 points, 4 rebounds at 6 assists para sa Warriors.
Samantala, dahil sa pagkatalo dumahusdos na sa 6-12 ang kasalukuyang record ng Kings.
Sunod na sasagupain ng Warriors ang Utah Jazz sa Energy Solutions Arena, Salt Lake City sa December 1.
By: Mark Gene Makalalad