Wagi ang Minnesota Timberwolves kontra Golden State Warriors sa iskor na 103-102.
Minalas si Stephen Curry ng hindi pumasok ang 18-footer samantalang ilang segundo na lamang ang nalalabi sa laro na nagpanalo sana sa kanilang koponan.
Bagamat may kabuuang 26 points si Curry, muli naman itong inalat sa 3-point range kung saan isa lang ang naipasok mula sa walong pagtatangka.
Nanguna naman sa panalo ng Wolves si andrew wiggins na nakapagtala ng 20 puntos.
17 points ang naibuslo ni Ricky Rubio, habang 23 puntos ang naiambag ni Karl Anthony Towns 23 para makuha ng Timberwolves ang ika-6 na panalo sa huling walong laro.
By Meann Tanbio