Nasungkit ng Golden State Warriors ang kanilang ikalawang panalo na wala si Kevin Durant na nagtamo ng ankle sprain
Kanina, sa kanilang homecourt, pinataob ng dubs ang New Orleans Pelicans sa score na 110-95
Pinangunahan ng splash brothers na sina Stephen Curry, 27 points at Klay Thompson, 24 points ang tagumpay ng kanilang koponan
Tila napunan naman nina Andre Iguodala at Zaza Pachulia ang pagkawala ni Durant sa ipinakitang opensa ng mga ito
Sunod na makakaharap ng warriors sa kanilang homecourt ang Sacramento Kings sa darating na Martes