Nasungkit ng Golden State Warriors ang kanilang ika-50 panalo sa NBA matapos pataubin ang Sacramento Kings sa iskor na 109-90.
Lumamang sa una, ikalawa at ika-apat na quarter ang Warriors dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Bumida sa panalo ng koponan si Andrew Wiggins na nakapagtala ng 25 points, 5 rebounds at 5 assists habang nakaambag din ng 22 points, 5 rebounds at 5 assists si Jordan Poole.
Samantala, abangan naman sa Biyernes ang susunod na laro ng Warriors kung saan, kanilang makakalaban ang Los Angeles Lakers alas-10 ng umaga, oras sa Pilipinas. — sa panulat ni Angelica Doctolero