Pinataob ng Golden State Warriors ang Boston Celtics sa Game 4 ng nba finals sa iskor na 107-97.
Nakuhang makalamang ng Celtics sa una at ikalawang quarter pero nabawi ito ng Warriors sa ikatlo at ika-apat na quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Dahil dito naging tabla ang iskor ng dalawang koponan matapos makakuha ng parehong 2 points sa serye ng NBA finals.
Nanguna sa panalo ng Warriors si NBA superstar Stephen Curry na nakapagtala ng 43 points, 10 rebounds at 4 assists habang nasayang naman ang 23 points, 11 rebounds at 6 assists ni Jayson Tatum ng Celtics.
Abangan naman mamaya ang susunod na paghaharap ng Warriors at Celtics sa Game 5 ng NBA Finals, alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas.