Palakpak ang naging pagsalubong ni US President Barack Obama sa Golden State Warriors sa courtesy call ng mga ito sa White House.
Ito ay matapos ang makasaysayang panalo ng Warriors kontra Cleveland Cavaliers noong nakaraang NBA Finals.
Bilang isang basketball enthusiast at big fan ng Chicago Bulls, ipinabatid ni Obama ang kanyang excitement na makita at makasama sa ang isa sa mga manlalarong bahagi ng NBA history na si Warriors Coach Steve Kerr na dating manlalaro ng Bulls noong 1990’s.
Sa seremonyang ibinigay ng White House para sa Warriors, ginaya pa ni Obama ang ilan sa mga signature moves ni NBA MVP Stephen Curry na siyang nanguna para masungkit ng koponan ang kampeonato.
Binigyan naman ng Warriors si Obama ng jersey na may numerong 44 bilang ika-44 na pangulo ng Estados Unidos.
Pabirong sinabi ni Kerr na isa itong alok kay Obama na maging manlalaro ng Warriors lalo pa’t malapit na itong maging ordinaryong mamamayan matapos ang kanyang termino.
By Ralph Obina
*Photo Credit: The Guardian / Geoff Burke/USA Today Sports