Umabante na sa NBA finals sa ika-anim na pagkakataon sa loob ng walong season ang Golden State Warriors matapos nitong talunin ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.
Nanguna sa laro si Klay Thompson na nakakuha ng 32 points sa game 5 na ginanap sa San Francisco.
Makakaharap naman ng Warriors sa finals ang magwawagi sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.