Panalo ang Golden State Warriors kontra Boston Celtics sa Game 2 ng NBA finals sa iskor na 107-88.
Tinambakan ng Warriors ang Celtics sa una hanggang ikatlong quarter dahilan para masungkit ang kanilang panalo.
Nanguna sa koponan si NBA superstar Stephen Curry na nakapagtala ng 29 points, 6 rebounds at 4 assists habang nasayang naman ang 28 points, 6 rebounds at 3 assists ni Jayson Tatum ng Celtics.
Abangan naman sa Huwebes, June 9, ang muling paghaharap ng dalawang team sa game 3 ng NBA finals na gaganapin alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas.