Posibleng may nilulutong bagong pagkilos ang China para angkinin ang teritoryo ng Pilipinas.
Inihayag ito ni dating National Security Adviser Roilo Golez, kasunod ng ulat ng Philippine Maritime Patrol na makailang beses na pumasok sa Recto Reef na sakop ng Pilipinas ang survey ship at iba pang barko ng China.
Sinabi sa DWIZ ni Golez na interesado dito ang China dahil matatagpuan sa Recto o Reef Bank ang pinakamalaking deposito ng langis at natural gas.
“Kaya nila ginagawa yan sapagkat ang target nila ay yung katabi, yan yung Recto Bank na malaking lugar na batay sa pag-aaral ng mga scientist ay mayaman sa natural resources lalo na yung oil at natural gas, at syempre isda.” Ani Golez.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit