Hindi pa batid ni Tiger Woods kung kailan ito muling makakalaro matapos siyang magtamo ng ikalawang back injury noong Setyembre.
Sa kabila nito, nanindigan ang highest paid golfer na si Tiger Woods na hindi pa siya laos.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kanyang pwesto sa world rankings.
Iginiit ni Woods na hindi naman hadlang ang kanyang kasalukuyang edad dahil sa naging maganda naman aniya ang takbo ng kanyang karera sa loob ng 20 taon.
By: Ralph Obina